Monday, July 20, 2009

Video of Efren R. Abueg

video

1967 Palanca Awards

Short story
First Prize: “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel” by Efren R. Abueg


Second Prize: “Talulot sa Pagas na Lupa” by Domingo Landicho
Third Prize: “Masaya ang Alitaptap sa Labi ng Kabibi” by Epifanio San Juan Jr.

Poetry
First Prize: “Toreng Bato...Kastilyong Pawid at Bagwis ng Guniguni” by Federico Licsi Espino Jr.
Second Prize: “Iba't ibang Tula” by Bienvenido Ramos
Third Prize: “O Sanggol na Hari” by Ruben Vega

One-Act Play
First Prize: “Gabi at Araw” by Fernando L. Samonte
Second Prize: “Isang Araw ng Paghuhukom” by Benjamin P. Pascual
Third Prize: “Isang Kundiman” by Levy Balgos Dela Cruz

Books by Efren R. Abueg

*Ang mangingisda: Mga kwento kay Jesus

*Bugso: Maiikling katha, 1954-1964

*Dramatic Legal Cases

*Isang babae sa panahon ng pagbabangon (Centennial literary series)

*Mga Kaluluwa sa Kumunoy

March 3, 1937


Efren R. Abueg was born on March 3, 1937 in Tanza, Cavite. He has received several awards and recognitions, including the Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas and four Liwayway Literary Prizes for his novels. His novel Password “Merah Tua” is currently being serialized in Liwayway.
Published NovelsHabagat sa Lupa (1964) Muling Pagsilang ng Isang Pangarap (1964)Dugo sa Kayumangging Lupa (1965) Alimpuyo (1967)Dilim sa Umaga (1968) Malamig na Ningas (196 Agaw-dilim (1969)Mga Kaluluwa sa Kumunoy (1972)Mister Mo, Lover Boy Ko (1973)Maraming Lalaki sa Mundo (1984)Huwag Mong Sakyan ang Buhawi (1985)Mga Haliging Inaanay (1987)Aawitin Ko ang Pag-ibig Mo (1992)~

Mabangis na Lungsod


Maikling Kwento:

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahambing ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adonng. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin, kundi dahil sa naroroon lamang, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroroon man o wala ang gabi- at at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang mga nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon dahil sa bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagka’t ang simbahan ay ang buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng sweepstakes, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punungkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso na upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.
Napapaiyak na si Adong, Waling-waling ang tingin niya sa mga ilaw dagitab na parang mga piraso ng apoy na ikinalat sa kalawakan. Kanina pa siyang tanghli sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang araw sa kanyang likod na bahagya nang nadaramtan at nangawit na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring hidad na gumagapang sa kanyang katawan.
“Mama… Ale, palimos na po.”
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malamig na parang bato, ang ibang mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali- ng pag-iwas.
“Singko po lamang, Ale… hindi pa po ako nanananghali!”
Kung may pumapansin man sa pananawagan ni Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. Pinanghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para may maisugal, madalas marinig ni Adong. Nasasktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
Halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kaninuman sa naroroong mga pulubi. Alam niyang hindi maiiwasan ang pahingi ni Bruno ng piso sa kanya, sa lahat.
“May reklamo?” Nakakasindak ang tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilinsik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. Sa gayong kalagayan, ang mga kamay ni Adong ay nanginginig pa habang inilalagay niya sa masikim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kalian man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.
“Maawa na po kayo, Mama… Ale… gutum na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa, Ang mga tao’y waring lantad sa paglilimos. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaari.
Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila bas a wala pang isang oras na pakakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawad sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.
“Malapit ng dumating si Bruno… “ ani Aleng Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ang kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapatindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao- malamg walang awa, sa kanyang kalooban. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag,
sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurursing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malilinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang lukbutan. Ilan pang bagol ng nalaglag sa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi napansing kakaunti na nag taong lumalabas mula sa simbahan, Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang- bahala,ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas,
“Adong.. ayun na si Bruno,” naririnig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang ininuso sa kanya ni Alling Ebeng. Si Bruno nga. Anf malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit and lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.
“Diyan na kayo, Aling Ebang… sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno!”
Narinig naman ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang munting iskinita.
Sumandal siya sa isang post eng kuryente. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipan ni Adong ay tumindig ang tahumpay ng isang musmos na paghihimagsik, ang paglayo kay Bruno, ang paglayo sa Quiapo, ang paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay sa simbahan, sa kabangisang sa mula’t-mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. Muling dinama niya ang mga bagol sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.
“Adong!” sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim.
Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray na ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at sa kabangisan.
“Bitiwan mo ako Bruno! Bitiwan mo ako!” nasigaw na lamang si Adong, Ngunit hindi na niya narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya sa kanyang mukha ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya, Nahilo. At pagkaraan ng ilang saglit, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

About Efren Abueg

Efren R. Abueg
Patnugot ng "Tulay na Buhangin at iba pang mga akda"

De La Salle University Manila
Bienvenido N. Santos Creative Writing Center Resident Writers


A well-renowned novelist in Filipino, Abueg obtained his M.A. in Language and Literature (Filipino) from De La Salle University. He was the Director of the Student Publications Office of the university from 1984 to 1987. He has published three books of stories and essays: Bugso, Tradisyon (Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas: Mula Alamat hanggang Edsa), and Ang Mangingisda: Mga Kuwento kay Jesus. His acclaimed novels include Dilim sa Umaga, Habagat sa Lupa, and Dugo sa Kayumangging Lupa. He is a multi-awarded fictionist, winning six Carlos Palanca Memorial Awards for his short stories, the Philippines Free Press Award for the short story in Filipino, and four Liwayway Literature Prizes for his novels. He is also a recipient of the Balagtas Memorial Award, Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, and Gawad Quezon sa Panitikan. Abueg’s creative works and essays have graced the pages of magazines like Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Mod, and Homelife.

De La Salle University Press Inc.
Si Efren R. Abueg ay premyadong kuwentista (Palanca Memorial Awards for Literature) at nobelista (Gantimpalang Liwayway). Nahirang siyang National Fellow for Fiction para sa 1998-1999 ng LIKHAAN: U.P. Creative Writing Center. Propesor ngayon sa De La Salle University, siya'y masigasig na lektyurer sa wika at panitikan.


Abueg, Efren R. of Cavite province, finished an MA in Pilipino from MLQ University (Manila). He started writing, mostly short stories, in 1954; gained recognition in 1959 when he won third prize in Palanca, a feat which he repeated in the following years. He also won awards in other contests like the Liwayway Magazine Novel Writing Contest. Abueg teaches at the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of Manila), aside from writing movie scripts and editing books

Sa Bagong Paraiso


Sa Bagong Paraiso

Ni Efren R. Abueg



Sinasabing masarap ang bawal. Kung alin ang bawal ang siyang nagugustuhan nating Gawin. ‘At iniutos ng Panginoong Diyos sa lalaki, na sinabi. Sa lahat ng punungkahoy, halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapwa’t sa kahoy na pagkakilala nang mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyan ay walang pagsalang mamamatay ka.’

Genesis 3: 16-17

Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang – isang lalaki at isang babae. At ang kanilang daigdig ay isang malawak na loobang kinatitirikan ng dalawang tabla’t yerong bahay, na ang isa’y nasa Silangan at isa’y nasa Kanluran; at sa pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan.

Ang malawak na looban ay mapuno at mahalaman, maibon at makulisap at ang kanilang mga magulang ay walang sigalutan- ang mga ito’y makaDiyos at walang araw ng Linggo o araw ng pangolin na hindi makikita ang mga ito sa kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon. Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may usal ng dalangin sa mga labi.

At silang dalawa- ang batang lalaki at batang babae ay nagsisipag-aral kasama ng ibang bata sa maliit na gusaling may tatlong silid, sa gusaling nasa dakong timog ng nayon. Sila’y may mga pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa hangganan ng nayong iyon, ng baying iyon at ng lalawigang kinaroroonan niyon.

II

Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa’y naglalaro sa loob ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga punong santol, sa punong bayabas, marurupok na sanga ng sinigwelas, sa maligasgas at malulutong na sanga ng punong mangga. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang kanilang mga siko, nagagalusan ang kanilang mga mukha at kung minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung nahuhulog-ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda; patuloy sila sa paglalaro.

Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga at doon silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung sila’y hinihingal na’y hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno, sisilip sa langit ang kanilang mukha.

‘Loko mo…makikita mo ba ang mukha mo sa langit?’ minsan ay sabi ng babae sa lalaki.

‘Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking salamin…ang sabi ng tatay ko,’ sagot naman ng batang lalaki.

Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga dahon, na waring ibig patunayan ng sariling paningin ang sabi ng kalaro. At pagkaraang tumingin sa langit nang matagal-sila’y lalagumin ng katahimikan-ang kanilang katawan ay nakalatag na parang kumot, hanggang sa sila’y makatulog at gisingin sila ng tawag mula sa kanilang bahay.

Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin sa tainga ang natutulog. At ang natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at pagkarining sa siya’y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangingiliti ay mapapaurong naman at anyong tatakbo at sila’y maghahabulan sa damuhang iyon, magpapaikot-ikot hanggang ang isa’y mahapo at sila’y muling bumagsak sa kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang katawan.

Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila’y magtutungo sa dalampasigan kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibe. Nilalagay ng batang lalaki sa bulsa ng kanyang putot na pantaloon at ang napupulot niyang kabibe at ang nadarampot naman ng batang babae ay inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng suot nitong damit. Kung hindi naman kabibe ang pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o kaya’y gumagawa ng kastilyong buhangin o kaya nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi makapangubli sa malalim na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa masigay na buhangin.

Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang ginagawa: nagtutudyuan din sila, naghahabulan at kapag nahahapo na, mahihiga rin sila sa buhanginan tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi nagkakatinginan sila. Minsan ay itinanong ng batang lalaki sa batang babae:

‘Naririning mo ba…..may tumutunog sa aking dibdib?’

Ang batang babae ay nagtakaa. Bumangon ito ay tumingin sa nakatihayang kalaro.

‘Pakinggan ko nga,’ anang batang babae.

Inilapit ng batang babae ang kaniyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadaigdig ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ang nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok.

‘Ang bango mo pala!’ Ang batang lalaki ay nakangiti.

Aba…hindi naman ako nagpapabango,’ anang batang babae na lumupasay sa tabi ng nakahigang kalaro. ‘Paglaki ko raw ay saka na ako magpapabango, sabi ng nanay ko.’

‘Teka nga pala, narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko?’ usisa ng batang lalaki.

’Oo...ano kaya ang ibig sabihin niyon?’

Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. ’Malay ko...tena na nga.’

Bumangon ang batang lalaki, pinagpag ang buhanging dumikit sa kanyang bisig at sa kanyang pantalon at nagsimula nang lumakad. Sinabayan siya ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw.

’Ang ganda, ano? Bakit kaya kulay-dugo ang araw kapag palubog na?’ sagot naman ng batang babae.

Hindi sumagot ang batang lalaki. Nakatanaw ito sa mapulang latay ng liwanag ng araw sa kanluran.

III

Puring-puri ang dalawang bata ng kanilang mga magulang, ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makihalubilo sa kanila.

’Siguro, paglaki ng mga batang ’yan...silang dalawa ang magkakapangasawaan.’

Maririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila’y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase sa silang dalawa’y parang tuko – magkakapit.

At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila ay humarang sa kanilang dinaraanan at sila’y tinudyo ng tinudyo.

’Kapit-Tuko!’

Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan na nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang mga kalaban. Nagpagulong-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugu-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila’y inawat at sila’y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap ng tatlong matinding palo sa puwit.

Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila’y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.

IV

Namumulaklak ang mga mangga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang namamakyaw at sa loob ng ilang araw lamang nagsanib ang bunga ng mga sanga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak iyon at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila’y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan-sapagkat sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila’y naniniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon sa kalagitnaan ng nayon, silang dalawa’y nagpugay, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang tuyong damo, na waring bankay ng siang panahong hinahalinhinan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki’y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit.

At ang pamumulaklak, pamumunga at pamumulaklak at pamumunga ng mangga, santol at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy, halaman sa bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyong kung dapithapon.

Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan’ ang mga magulang ay walang pinaguusapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak.

V

Nang dumating ang pasukan, ang batang lalaki at ang batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki ay hindi na nakapantalong maikli-putot; siya’y nakalargo na at pantay na ang hati ng buhok na nangingintab sa pahid ng pomada. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi makikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito.

Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila mapigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa paghawak na kanilang daigdig, ang batang lalaki’y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro-siya’y kahalubilo na rin ng maraming batang lalaking pumapasok sa magagapok na gusaling iyon ng paaralan. Nakikipagharutan siya sa mga ito, nakikipagbuno, nakikipagsuntukan-at higit sa laht nakikituklas ng lihim ng isa’t isa. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may pinakikita sa kasamahan. Nakisiksik din siya sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na hindi niya alam na kailangang mangyari sa kanya.

Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Umupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kaniyang ama.

Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon.

Nagtawa ang kanyan ama. Tinapik siya nito sa balikat.

’Kailangan niyon upang ikaw ay maging isang ganap na lalaki,’ sagot ng kaniyang ama.

Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata’y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-malay.

’Hayaan mo...’ dugtong ng kaniyang ama. Isang araw isasama kita kay Ba Aryo. Maging matapang ka lang sana...’

Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niy kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang niya nadama iyon. Kaya’t kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya’y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki.

At isa ngang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kaniyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog.

’Ang damuho...pagkalaki-laki’y parang hindi lalakit.’

Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kaniyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat ng kaniyang kawalang-malay.

VI

Kasunod ng panyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo. Hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito’y nakahiga sa damuhan o dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang namumula ang mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat.

’Bakit?’ usisa niya. ’Wa-wala...wala!’

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro niya rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang baba, kiniliti, napahabol dito hanggang sa mahawa ito at sila’y naghabulan na sa buhanginan, sumsisigaw sila sa katuwaan hanggang sa manigas ang kanilang mga binti at kinakailangang humiga na naman sila sa buhanginan. Humagikgik pa sila ng mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong malakas ang pintig doon.

‘Tingnan mo...pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,’ anyaya ng batang lalaki.

Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas na mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunguhan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

’Bakit?’

Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki at ito’y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi’y pinahid nitong palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktikan ng buhangin.

’Hindi na pala tayo maaaring maglaro...tulad ng dati,’ anang batang babae sa basag na tinig.

VII

Hindi nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban ngunit hindi nga lamang tulad ng dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Nayon, parang laging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal-sa looban, ang kanilang mga magulang ; sa paaralan, ang kanilang mga guro. Ang kanilang tawa tuloy ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uuusap ay hindi na Malaya at pumipili na sila ng salitang kanilang gagamitin.

At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kaniyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kaniyang ina, palihim niyang lalabhan iyon sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay.

Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: Hindi mo na kailangang dito pa labhan iyan..

VIII

Natapos ng haiskul. Nagkamay sila pagkaraang maibaot sa kanila ang kanilang diploma. At nang nagsayawan ng gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok ng kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng kanilang mga labi’y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang kanilang panunyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki sa lamat sa kanilang kawalang-malay.

IX

Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay hindi niya maluong sa kanyang kalooban.

’Pero, Inya...kaibigan ko si Ariel!’ May himagsik sa kanyang tinig.

’Kahit na...kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin,’ may langkap na tigas ang sagot na iyon.

Alam niya ang kahulugan niyon: masama. Parang pait iyong umukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kaniyang ama.

’Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang lalaki!’

At ang pait na may inuukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog na pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid.

Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata sa dormitoryo ay natuklasan nila sa isa’t sia na mataa na ang dingding sa kanilang pagitan. Matatag iyon at makapal at waring hindi nila maibubuwal.

’Huwag muna tayong magkita, Ariel,’ sabi niya sa binata.

Napatitig sa kanya si Ariel at nakita niya ang pamamantal sa noo nito-at pagtataka, sa damdaming unti-unting nasasaktan.

’Ba-bakit...dati naman tayong...’

’Ayaw nila...ng Inay, ng Itay…masama raw,’ at ang mga labi niya’y nangatal kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata.

Masama! Masama !

At si Ariel, ang kanyang kababata, ay lumisang larawan ng isang bilanggong hindi makaigpaw sa isang mataas na pader.

X

Minsan ang binata ay umalis sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna agad iyon ng kanyang ama.

“Bakit?”

“Ayaw nang makipagkita sa akin ni Cleofe”

Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin.

“Walang kwenta iyon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit kayong muli. Hindi mo baa lam… na gusting- gusto ka ng mga magulang niya na maging doktora siya?”

Pasigaw ang alingawngaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.

“At habang nagdodoktora siya ay masamang kami’y magkita?”

“Tama ka,” maaagap na pakli ng kanyang ama. “ Hindi mo ba

alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso?”

“ Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong isinaksak sa kanyang utak ang mga katagang iyon. Mahapdi. Makirot. Parang binibiyak ang kanyang ulo.

Napapikit siya. Nagunita niya ang luntiang damuhan sa looban, ang malamig na buhanginan kung hapon, ang mapulang silahis ng araw na parang dugo.

XI

At ang dalawa’y hindi na nagkita, gayong hindi na sa lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng masasalubing na kakilala. Mangyari’y iniiwasan nila ang magkita, mangyari’y sinikil nila ang paglago ng halaman sa kanilang katauhan na pinapag- ugat at pinag- pausbong ng mga araw sa luntiang damuhansa looban at malamig na buhanginan sa dalampasigan kung dapithapon.

Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila’y magiging masama, tukso. At sa kanilang daigdig ng mga aklat, ng matataas na gusali, ng malalayang kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay parang batak na nakabitin sa tabak ng kanilang ulo o kaya’y tulad din ng isang mansanas, pulang mansanas na bibitin- bitin sa nakayungyong na sanga ng punungkahoy.

Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba ring panahon, mga buwan at sana’y mga taon kung nakatiis sila…kung tuluyang nasikil nila ang halamang patuloy sa paglago sa kanilang katauhan.

XII

Hindi nga sila nakatiis…isang araw na hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglakad at nagbabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay hindi parin sila makakilos. Ang binata ang unang naglakas- loob at binati niya ang dalaga.

Hindi makasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay anapasunod lamang siya , napatangay sa agos ng kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hinihinging pagkain, sila’y nagkatitigan at sila’y nakalimot at akala nila’y sa luntiang damuhan sila sa looban ng lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa’t isa.

At pagkaraan ng maraming sandali ng pagdidilidili, ng pagsusuri sa sarili, ng pagtantiya sa pandama, hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae, pinisil at hinalikan at saka sa tinig na nababasag ang pananabik at pangungulila ay sinabi : Ibig kong magkita tayo, kahit saan, kahit saan!

At ang babae ay hindi sumagot at tumango lamang at lalong ipinaubaya sa lalaki ang kanyang palad.

At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan, kundi maraming pagkikita….maraming- marami at ang kanilang sikil na damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwang pagkakalayosila’y lumigaya.

Ngunti ang inihasik na binhi ng pagkakakilala sa masama ta sa mabuti sa kanilang isip sy sumibol at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawa nilang iyon ay masama. Ngunit sila’y uhaw sa gunita ng kanilang kamusmusan at sila’y naghihimagsik.

XIII

Malinaw ang sinabi ang sinabi sa sulat: sa pook pa naming iyon, sa lahat ng pook na dapat pagkaiwasan …doon kayo nakita. Hindi sana malubha kung nakita lamang kayo, ngunit nakita kayong magkahawak kamay… sa karamihan ng tao sa paligid. Hindi na kayo nahiya!

Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa ng liham. Nababanta ang mga sumusunod na talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang iyan.

Ang binata ay hindi makatulog. Nalukot na ang suot niyang damit ay hindi parin niya hinuhubad. Ibig niyang lumabas ng bahay- paupahang iyon, maglakad sa lansangan at sa labas paabot ng umaga.

…ipinaaabot ditto ng mga magulang ni Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang hiya kami ng iyong ama. Ibig naming makatapos ka … at ibig ipaalaala mula sa iyo na ang babae at tukso…tukso!

XIV

Sinabi ng dalaga : hindi ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita tayo, magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat.

At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan , ngnit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik, ng takot na matupto[ at ng pangangailangan.

Sa mga pook na iyon pinilit nilang iginupo ang dingding na ipinagitan sa kanila. At sa palagay nila, sila ay nagtatagumpay. Naaalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng pagbabawal, lumalarawan ang mga nananalim na tingin masama…tukso.

XV

At ngayon ang kanilang paraiso ay hindi na malawak na looban.o kaya ang dalampasigang malamig kung ang dapithapon ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit lagging hinahamig ng init ng kanilang lumayang katawan.

XIV

Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamayamaya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin.

Ang dalaga ay dumungaw sa bintana- masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakakatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas at itapon. At iyon ay waring umaakyat sa kanyang lalamunan.

Humawak siya sa palalabahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyng maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakiya niyangnililinis ng tubig ang bangketa. At kasabay ng kanyang pagtungo,parang may isinakad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y napaluha at paghigpit ng kanyang paghawak sa palababahanng bintana ay naduwal siya…at ang lumabas pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nalikhang mumunting agos sa gilid ng daan.

At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.